Miyerkules, Enero 13, 2016

"I don't have the guts"

I don't have the guts, nasasabi ko yan sa sarili ko kapag nakikita ko sya. Oo sya!, sya yung hindi ko magawang kausapin kasi nag aalangan ako, sya yung di ko kaya lapitan agad agad kasi natatakot ako. Alam ko naman mabait sya sa mga kakilala nya lalo na sa mga ka'close nya. Masasabi ko ding napaka cool nya sobraaaa. Magaling din sya mag jokes lalo na yung way ng pagsasalita nya. Nung first year ako akala ko makakaclose ko sya. First impression ko kasi sa kanya is cool, mabait at masarap kasama. Pero nung lumilipas ang mga araw nung nakikilala ko na sya unti unti, nagbago tingin ko sa kanya, akala ko ganun sya kadaling makaclose pero mali ako. Hindi pala. Kasi unti unti napapansin ko na may pagkamaarte sya sa ibang bagay, nakakatakot sya kausapin ng akala mo close kayo kasi nambabara sya na yung way ng pambabara nya ay di mo alam kung galit ba sya or joke pa rin yun. Magaling sya mag make face. Natutuwa ako the way he speaks. Pero once na makita mo syang seryoso matatakot ka talaga. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nafifeel ko pagdating sa kanya. Wala akong gusto sa kanya. Nai'intimidate kasi ako. Parang ang galing galing nya maghandle ng mga bagay bagay parang lahat sa kanya easy easy lang. Napaka professional pa nya minsan. Bastaaaa natatakot ako na kausapin sya ng akala mo friends kayo. Lumalapit lang ako sa kanya kapag kelangan kausapin at may itatanong. Buong loob ko hinahanda ko para lang makausap sya dahol kapag kaharap ko na sya sobrang kinakabahan ako na any minute e mapapahiya ka na lang kasi baka barahin ka nyaaa. Takot ako na lumapit sa kanya kasi feeling ko ang taas taas ng standards nya sa lahat ng bagay. Madami na syang nashare sa amin na talagang naka encourage naman talagaaa. May pagka perfectionist din sya. Basta ayun. One time nga iyak na ako, kasi akala ko talaga galit na galit syaaaaa napahiya ako kasi ang palpak ko dahil di ko agad nagets ang sinesenyas nya napaka slow ko that time. After nun napaiyak na lang talaga ako sa mga friends ko kasi feeling ko talaga nahiya akoooo. Pero sabi nila sobrang stress lang daw yun kaya ganun kaya wag ko na isipin. After nun mas lalo ako na awkward sa kanya. Pero masasabi ko rin na kapag nasa good mood sya masaya sya kausap. Basta ayan lang. Masyado akong magulo mag explain pero ganan talaga yung gusto ko masabi para sa kanya. Aana dumating yung aaw na komportable na ako sa pakikipag usap sa kanya tulad ng iba :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento