Miyerkules, Enero 13, 2016

"Leadership"

Maraming ibigsabihin ang leadership. Hindi biro ang maging leader kasi marami kang kailangang maging katangian. L(loyal) - kailangan mong maging tapat hindi lang sa mga ka'miyembro mo kundi pati na rin mismo sa sarili mo para malman ng lahat na ikaw ay tapat at mapagkakatiwalaan. E(excellence) - ang pagiging leader ay may katangiang kailangan maging magaling para kahit anong hirap ng problema ay kayang gawan ng paraan. A(attitude) - ang isang leader ay di dapat maging "selfish", dapat marunong siya makibagay sa bawat miyembro nya para na rin magkaroon sila ng magandang samahan. D(discipline) - kailangan disiplinado ang isang leader, para alam nya kung hanggang saan ang mga limitasyon nya sa mga bawat pag kilos nya. E(education) - ang isang leader ay hindi kailangang mataas ang pinag arala, ang kailangan ay alam niya kung ano ginagawa niyaat maayos nya itong ginagawa. R(reliability) - ang isang leader ay dapat maaasahan dahil sa kanya nakasalalay ang mga pangangailangan ng bawat miyembro hindi lang sa mga ideya kundi pati na rin sa mga bagay na ikagaganda ng isang organisasyon. S(service) - ikaw ang isang leader na handing magbigay ng serbisyo para sa ikauunlad ng organisasyon. H(humility) - hindi porket leader ka ay palagi ka na lamang seryoso, kailangan mo din maging palabiro para magkaroon kayo ng magandang samahan ng iyong mga ka'miyembro, kailangan palagi kang nakangiti. I(integrity) - kailangan mong magkaroon ng paninindigan, kailangan marunong ka magdesisyon ng tama. P(purpose) - ikaw ay leader, hindi ka ginawang leader para mag utos lamang, ikaw ay leader para mamuno at maging isang magandang halimbawapara sa iyong mga miyembro. 

Kung gusto mo maging leader, dapat alam mo kung ano ang kaya mong gawin at pinakamahalaga ay dapat kilala mo ang sarili mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento