http://bina.com.au/article/dying-with-dignity
Dignity, ito ang pinaka pinanghahawakan ng isang tao lalo pa't alam niya sa sarili niya na tama ang ginagawa niya at alam niyang wala siyang naapakan o nadadaling tao. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makakasama sa ‟yo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa ‟yo makabubuti din ito sa kanya. ito ang golden rule na isinasa alang alang ng isang tao na may dignidad. Sabi nga ng diyos “mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa ‟yong sarili.” Mahalin mo ang kapwa kapantay ng iyong pagmamahal sa sarili: Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao.Ang dignidad ay nangangahulugang likas na karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may pantay-pantay na dignidad. Ang tao ay karapat-dapat sa paggalang at pagpapahalaga ng ibang tao.Ang tao ay may likas na kakayahang hubugin at paunlarin ang kanyang sarili dahil dito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod tanging tao ang mabigat na dahilan ng kanyang dignidad. Hindi ito mawawala sa tao sapagkat hindi mababago ang kanyang kalikasan bilang tao.Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang walang maapektuhan. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, magkakapantay ang lahat. Samaktuwid, may tungkulin ang bawat isa sa atin na ituring ang ibang tao bilang kapwa na katulad natin, na may dignidad.
Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin ng iyong kapwa sa iyo”. Kung naghahangad ka ng pansariling kabutihan ang iyong kapwa ay ganundin para sa kanyang sarili. Kung ito ay kikilalanin ninyong pareho siguradong magiging payapa ang inyong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento