Technology, sa panahon ngayon masasabj kong halos lahat ng tao ay bulag na sa teknolihiya. Lalong lalo na ang mga kabataan karamiha sa kanila sa teknolohiya na nakadepende. Halos lahat ng bagay naka asa na lamag dito. Merong maganda at masamang dulot ang teknolohiya. Unahin natin ang magandang dulot nito, una nakakatulong ito para mapadali ang gawain ng isang tao. Isa na dito ang paggamit ng computer, nakakatulong ito para magbigay ng mga mahahalagang impormasyon, at para makausap natin ang mga taong mahahalaga sa atin lalo na't nasa malayong lugar sila. Mas napapalawak nito ang pakikipagkomunikasyon ng bawat isa at magpahayag ng mga nais nila. Nakakatuling din ito para makabuo ng isang magandang samahan, karamihan sa atin ngayon ay nagigiging magkaibigan through technology/social media. Pero sa kabilang banda, may masamang naidudulot din ito sa mga tao tulad ng, ditk na nila iniaasa ang paggawa ng mga dapat ay sarili na nila mismk ang gumagawa, masyado na silang nakadepende dito at nakakalimutan na ang dating nakasanayan na mga gawain gaya ng dati. Isa na dito ang, kung dati kapag gumagawa ng homework ay sa libro tumitingin at binabasa, ngayon isang click lang nila ay makikita agad nila ang kelangan nila ng walang kahurap hirap. Masyado nang umaasa ang mga tao sa teknolohiya kung kaya't nagigiging tamad na sila. Masyadosilang nagpapakabulat at nagpapakaalipin sa teknolohiya.
Kaya naman masasabi kong dapat ay marunong tayong maglimita ng ating sarili sa paggamit ng teknolohiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento