Linggo, Pebrero 21, 2016

"Rights"

http://www.intlawgrrls.com/2012/12/the-future-of-human-rights-in-americas.html


                   Marami tayong uri ng karapatan pero ang pinakamahalaga sa lahat ang human rights o ang karapatang pantao , unang una karapatan ng isang tao ang mabuhay , lahat ng tao ay malaya na gawin kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya,Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa ating batas, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya.Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.
                 Sa dami ng karapatan ng isang tao , walang sinuman ang may kayang humadlang dito , kahit pa anong estado mo sa buhay, huwag na huwag kang mang aapak ng tao dahil sa mata ng diyos pantay pantay tayong lahat. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento