http://royalista1.weebly.com/ofw-ka-ba.html
Ang mga ofw , ang mga ofw ay mga pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang ekonomiya ng sariling bansa. Mga Pilipinong patuloy na umaasa na makaahon ang Pilipinas sa kahirapan na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang pinapangarap at inaasam-asam na kaunlaran. Mga Pilpinong kinikilala at ikinararangal ng ating pamahalaan bilang , pinakamainam na produktong pang-export ng bansa. Mga Pilipinong nagiging sandigan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nakatayo ang Pilipinas at patuloy na nakikibaka upang makamtan ang inaasam-asam na kaunlaran. Mga Pilipinong nakakapag-remit ng bilyun-bilyong dolyar pati dirhmas na din , na nakakatulong para mapanatiling maayos ang ekonomiya ng Pilipinas kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang mga pamilya, pagkakawasak ng ibang tahanan, diskriminasyon, kalupitan at karahasan sa ilan, o kaya naman ay pagkakakaroon ng miserableng pamumuhay sa pakikibaka at paninilbihan sa mga banyaga.
Sobrang sakripisyo ang ginagawa ng mga ofw , unang una ang mapalayo sa mga minamahal mo , sobrang hirap ang lahat ng nakagisnan parang wala lang , parang wala na lang , hindi mo na maramdaman ang saya na nararamdaman mo pag kasama mo siya , hindi mo na maramdaman ang iyakan ang mga pananabik ang mga surprises ang sarap pag nasa tabi mo ang minamahal mo ,Ayun ang pinaka masakit at pinakamahirap na kalagayan ng isang ofw ang malayo sa taong minamahal niya. tayong mga Pilipino, saan mang panig ng Pilipinas o saan mang panig ng mundo tayo naroroon, basta alam mong ikaw ay isang Pilipino at nakikipaglaban ka hindi para sa mga dayuhan kundi para sa mga kababayan nating mga Pilipino, ay sumasaludo po ako sa inyo. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento