Huwebes, Marso 24, 2016

"Muling Ibalik"

                                             http://www.love-quotes-and-quotations.com/tagalog-love-quotes.html

Oo , maraming bagay tayong hindi napag kakasunduan , oo maraming bagay tayong pinag tatalunan pero kaya natin to alam ko ,nakikiusap ako , gusto ko ibalik natin kung ano ang meron sating dalawa, Ngayong nag kalayo tayo ng landas, Gusto kong sabihin sayo na lumayo lang ako , pero hindi ang puso ko , Ikaw pa din ang mahal ko at mamahalin ko pang habang buhay , sana maintindhan mo na habang buhay ikaw lang promise, kahit ilang beses pa tayo mag away , kahit ilang beses pa tayo mag hiwalay at sabihn mong hindi mo na ako mahal . hinding hindi mag babago ang pag tingin ko sa yo, Isinulat ko to at ginawa hindi dahil gusto ko , Isinulat ko to at ginawa yun ay para alam ko or kung babasahin mo to gusto kong sabihin sayo na ,, Ikaw pa din :) , Ikaw lang Ikaw lang talaga, Antayin mo lang ako ,, Pianapangako ko sayo babawiin ko ang araw na nag kalayo tayo , Babawiin ko ang araw na hindi na nalungkot ,, Bawat araw papasayahin kita  at higit sa lahat , Ibibigay ko na sayo ang lahat ng oras ko , kaya please , Stick with me , And stay with me .. MULING IBALIK natin ang meron tayo. I love you. and i miss you so much.

Pero kung darating naman ang araw na wala na talaga at ayaw mo na sa akin , ito lang masasabi ko sayo, 
 sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong yakapin kita habang sinasabi, “Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya.”

"Pangulo ng Pilipinas"

http://metaporista.com/2015/01/29/mga-presidente-ng-pilipinas/

                      Kahit malayo pa ang 2016 Presidential Election sa Pilipinas ay abala na ang kaniya-kaniyang partido political sa buong bansa. Nariyan ang kanilang pag-aaral sa kahinaan ng mga botante kung saan ay dito nila napapalambot ang puso ng mga botanteng ayaw sa kanila sa pamamagitan ng mga sandamakmak na mga pangako na may kasamang mga suhol na mga patago. Ito ay matagal nang pamamaraan ng mga pulitiko laluna ang mga tumanda na sa pulitika at uugod-ugod subalit sumasabak parin dahil ayaw mawala ang kaniyang koneksyon at impluwensya na sinusupurtahan naman ng mga mamamayan na ayaw makisama sa panawagan ng pagbabago sa hanay ng maling sistema ng pulitika sa bansa na dekada na ang nakalilipas. Kamakailan ay nagsilabasan na ang mga interes ng mga nasa showbiz sa pulitika dahil alam nila na dahil sa kanilang kasikatan ay lamang na sila sa mga makakalaban nila sa pulitika laluna kung bibo at biba pa sa pamimigay ng pera o pasuksok para sila ay suportahan. Nakalulungkot na isipin ang ganitong sistema o mga pangyayari sa larangan ng pulitika sa bansa dahil kahit walang alam sa batas subalit papyular sa mga tao dahil artista ay iboboto na? Hindi na natuto ang mga karamihang mamamayang Filipino. Ayaw maki-isa sa panawagan ng maraming adbokasya sa buong bansa hinggil sa pagbabago para maiba naman ang pamamaraang political na siyang ugat ng korapsyon at paghihirap ng maraming mamamayan.
                   Ikaw ? Sino ang pangulo please. VOTE WISELY. 

"Police"

https://sunlightfoundation.com/blog/2015/05/01/baltimores-open-but-not-current-police-data/
                      Panget na ang imahe ng pulis ngayon sa ating bansa, ang nakikita lang kasi ng tao ay ang mga pulis na gumagawa ng masama , hindi nila nakikita ang mga mabubuting ginagawa ng pulis , maraming namamatay na pulis dahil sa mga masasamanag tao pero hindi nababalita ang kanilang kabayanihan, ang media ang nag papasama ng imahe ng pulis sa mga tao , totoong maganda ang dulot ng police sa mga sambayanan sila ang nag papatupad ng batas. Dati kinatatakutan ang pulis pero ngayon hindi na sila kinatatakutan dahil nagagalit na sa kanila ang mga tao dahil sa mga media na puro kasamaan lang nila ang pinapalabas. 
                      Kaliwa’t kanan ang problema, kontrobersiya at katiwalian sa hanay ng pulisya. Isang malaking hamon pa ang kakulangan ng mga pulis sa kagamitan tulad ng bala at baril. Tatlumpu’t tatlong porsyento o halos apat sa bawat sampung pulis ang walang short firearm samantalang lagpas kalahating porsyento o halos anim sa bawat sampung pulis naman ang walang long firearm.Ibig sabihin, sa higit isang daan at apatnapung libong pulis, nasa apatnaput pitong libo ang di pa naiisyuhan ng baril Bukod pa ito sa problema ng mga pulis sa kanilang nakukuhang suweldo at benepisyo. Pero pulis pa din ang masama sa mga tao, Ang unfair ng buhay kaya kailangan natin ng isang pangulo na may displinado sa lahat ng bagay. 

"Paano ba mag move on ?"

http://onlyroby.blogspot.com/2013/05/move-on-move-on-pano-yun.html

                      Sabi niya paano ka nakamove-on? sabi ko, lumayo ako, lumayo ako hindi para makalimutan ang tao. Lumayo ako para sa sarili ko, minahal ko ulit sarili ko. Binura ko lahat ng magbibigay sakin ng ala-ala sa kanya, kasi kung iisipin mo, nakakaprolong ng agony, kung hindi mo mabura, kailan pa? ikaw din lugi eh, kaya gawin mo na lahat, gamitin mo ang sakit na nararamdaman mo, i-divert mo para maging motivation. Kaya mo yan, kung iisipin mo lang ang sarili mo at tanggapin na wala na yun. Paano nga ba mag move on? Wala ka namang dapat sundin na rules para sa pagmo-move on. Kasi kung gugustuhin mo maka move on, matututo ka ng salitang let go, at acceptance. Oo masakit man sa ngayon yang nararamdaman mo, asahan mo pagdating ng araw gigising ka nalang at mapapasabi na, “Naka move on na ako.” Makakaya mo na siyang tingnan sa mata, ng wala ng nararamdaman pa. Hindi mo kailngan umiyak at magmukmok sa isaag taong hindi ka binigyan ng kahit katiting na halaga. Nasasaktan ka man ng sobra ngayon, Kung akala mo di mo kaya ng wala siya, akala mo lang iyon dahil napupuno pa ng pait ang puso mo. Pero balang araw marerealize mo na mali ka, kasi nakaya mong bumangon at tumayo sa sarili mo ng wala siya sa piling mo.



"Assuming"

https://www.quora.com/Which-feeling-is-worse-assuming-nobody-cares-and-found-out-its-the-opposite-too-late-or-assuming-people-care-until-you-find-out-that-they-dont
 
                 Pinakamahirap na bagay sa lahat ay ang mag assume ka na gusto ka ng taong gusto mo ang sakit sa pakiramdam pag nalaman mo ang totoong nararamdaman niya kaya please kang wag kang mag assume. Hindi solusyon ang pag-iwas sa pag-ibig para maiwasang masaktan. Kasi kapag sinabi mong iiwasan mong magmahal kasi ayaw mong masaktan para mo na rin sinabi na iiwasan mo ng kumain kasi ayaw mong tumaba.
                 Kapag sinabing “wag magpakatanga”, ibig sabihin gamitin mo ang utak mo at huwag puro puso ang sinusunod. Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na makaramdam ng pagmamahal. Kailangan mo lang alamin kung hanggang saan lang ang pwede mong ibigay.
                 Kasi kahit bakuran mo man ang sarili mo, ilayo mo man ang sarili mo sa mga taong handang magmahal sayo, hindi mo kakayanin. Kasi tao lang naman tayo, likas sa atin ang magmahal kahit na walang kasiguraduhan ang lahat, kahit pwede tayong masaktan sa huli.kaya kung ako sayo wag na wag kang mag aassume na pde ang isang bagay kahit alam mong napakaliit ng chance na maging kayo. 

"Iniwan"

http://vid.blogspot.website/Biglaang-Iniwan-By812-Music-Ft-Bjprowel-Video
                     Lagi mong tatandaan na hindi lahat ng bagay ay mananatili sayo. Huwag kang maniniwala na ang bagay ay totoong mag tatagal sayo dahil kahit buhay ng tao ay nawawala. May mga bagay talaga na hindi naiintindhan ang isang tao kaya kahit anong ipilit mo pag wala na wala na talaga. Mahirap malaman na ang bagay na matagal mo ng iningatan na saglit lang bigla na lang mawawala sayo na ang dating kayo ay hindi mo na maibabalik pa . Ang sakit di ba ? yun ang tinatawag na pag iwan , Ang katunayang wala ka ng pinang hahawakan pa , wala ng bagay na dating na sayo ,wala wala na lahat. Kaya payong kaibigan , habang nasayo pa ang bagay huwag na huwag mong sasayangin ang bawat oras na mag kasama kayo dahil kahit kelan hindi mo masasabi na mananatili talaga siya sayo.
                     Kung iniwan ka ng taong mahal mo, wag kang masyadong OA na tipong gusto mo nang magpakamatay dahil nawala siya. Ano siya internal organ mo na kapag nawala, mawawala na din ang buhay mo? Mga Kuya at Ate, OK lang umiyak pero wag sobra, OK lang malungkot pero wag lang sobra. Maraming taong nagmamahal sayo. Maraming ibang tao sa buong mundo. May mga basura talagang hindi dapat irecycle tulad ng taong nang-iwan o nanloko sayo. Basura will always be a basura. It’s up to you kung pupulutin mo, then I will call you a BASURERA o BASURERO

"Student Stress"

http://www.hoyespharmacy.com/how-to-cope-with-stress/
                              Hindi  tulad  ng  dati  ang  nagkaka  stress  lang  ay  ang  mga  taong nakakaranas  ng  problema  ngayon  pati estudyante na ay nakakaranas na ng stress dahil humaharap na rin ang mga estudyante sa mga nakaraming suliranin mga gawain. at ang stress o minsa’y tinatawag na tensiyon sa Filipino ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa.  Ang stress ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa maraming tao. May antas ng stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa katawan at isipan na harapin ang mga hamon ng mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis.  Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp. Ang tuloy-tuloy na stress ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.