http://metaporista.com/2015/01/29/mga-presidente-ng-pilipinas/
Kahit malayo pa ang 2016 Presidential Election sa Pilipinas ay abala na ang kaniya-kaniyang partido political sa buong bansa. Nariyan ang kanilang pag-aaral sa kahinaan ng mga botante kung saan ay dito nila napapalambot ang puso ng mga botanteng ayaw sa kanila sa pamamagitan ng mga sandamakmak na mga pangako na may kasamang mga suhol na mga patago. Ito ay matagal nang pamamaraan ng mga pulitiko laluna ang mga tumanda na sa pulitika at uugod-ugod subalit sumasabak parin dahil ayaw mawala ang kaniyang koneksyon at impluwensya na sinusupurtahan naman ng mga mamamayan na ayaw makisama sa panawagan ng pagbabago sa hanay ng maling sistema ng pulitika sa bansa na dekada na ang nakalilipas. Kamakailan ay nagsilabasan na ang mga interes ng mga nasa showbiz sa pulitika dahil alam nila na dahil sa kanilang kasikatan ay lamang na sila sa mga makakalaban nila sa pulitika laluna kung bibo at biba pa sa pamimigay ng pera o pasuksok para sila ay suportahan. Nakalulungkot na isipin ang ganitong sistema o mga pangyayari sa larangan ng pulitika sa bansa dahil kahit walang alam sa batas subalit papyular sa mga tao dahil artista ay iboboto na? Hindi na natuto ang mga karamihang mamamayang Filipino. Ayaw maki-isa sa panawagan ng maraming adbokasya sa buong bansa hinggil sa pagbabago para maiba naman ang pamamaraang political na siyang ugat ng korapsyon at paghihirap ng maraming mamamayan.
Ikaw ? Sino ang pangulo please. VOTE WISELY.
Ikaw ? Sino ang pangulo please. VOTE WISELY.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento