http://www.hoyespharmacy.com/how-to-cope-with-stress/
Hindi tulad ng dati ang nagkaka stress lang ay ang mga taong nakakaranas ng problema ngayon pati estudyante na ay nakakaranas na ng stress dahil humaharap na rin ang mga estudyante sa mga nakaraming suliranin mga gawain. at ang stress o minsa’y tinatawag na tensiyon sa Filipino ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa. Ang stress ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa maraming tao. May antas ng stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa katawan at isipan na harapin ang mga hamon ng mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis. Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp. Ang tuloy-tuloy na stress ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento