Huwebes, Marso 24, 2016

"Paano ba mag move on ?"

http://onlyroby.blogspot.com/2013/05/move-on-move-on-pano-yun.html

                      Sabi niya paano ka nakamove-on? sabi ko, lumayo ako, lumayo ako hindi para makalimutan ang tao. Lumayo ako para sa sarili ko, minahal ko ulit sarili ko. Binura ko lahat ng magbibigay sakin ng ala-ala sa kanya, kasi kung iisipin mo, nakakaprolong ng agony, kung hindi mo mabura, kailan pa? ikaw din lugi eh, kaya gawin mo na lahat, gamitin mo ang sakit na nararamdaman mo, i-divert mo para maging motivation. Kaya mo yan, kung iisipin mo lang ang sarili mo at tanggapin na wala na yun. Paano nga ba mag move on? Wala ka namang dapat sundin na rules para sa pagmo-move on. Kasi kung gugustuhin mo maka move on, matututo ka ng salitang let go, at acceptance. Oo masakit man sa ngayon yang nararamdaman mo, asahan mo pagdating ng araw gigising ka nalang at mapapasabi na, “Naka move on na ako.” Makakaya mo na siyang tingnan sa mata, ng wala ng nararamdaman pa. Hindi mo kailngan umiyak at magmukmok sa isaag taong hindi ka binigyan ng kahit katiting na halaga. Nasasaktan ka man ng sobra ngayon, Kung akala mo di mo kaya ng wala siya, akala mo lang iyon dahil napupuno pa ng pait ang puso mo. Pero balang araw marerealize mo na mali ka, kasi nakaya mong bumangon at tumayo sa sarili mo ng wala siya sa piling mo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento