https://www.quora.com/Which-feeling-is-worse-assuming-nobody-cares-and-found-out-its-the-opposite-too-late-or-assuming-people-care-until-you-find-out-that-they-dont
Pinakamahirap na bagay sa lahat ay ang mag assume ka na gusto ka ng taong gusto mo ang sakit sa pakiramdam pag nalaman mo ang totoong nararamdaman niya kaya please kang wag kang mag assume. Hindi solusyon ang pag-iwas sa pag-ibig para maiwasang masaktan. Kasi kapag sinabi mong iiwasan mong magmahal kasi ayaw mong masaktan para mo na rin sinabi na iiwasan mo ng kumain kasi ayaw mong tumaba.
Kapag sinabing “wag magpakatanga”, ibig sabihin gamitin mo ang utak mo at huwag puro puso ang sinusunod. Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na makaramdam ng pagmamahal. Kailangan mo lang alamin kung hanggang saan lang ang pwede mong ibigay.
Kasi kahit bakuran mo man ang sarili mo, ilayo mo man ang sarili mo sa mga taong handang magmahal sayo, hindi mo kakayanin. Kasi tao lang naman tayo, likas sa atin ang magmahal kahit na walang kasiguraduhan ang lahat, kahit pwede tayong masaktan sa huli.kaya kung ako sayo wag na wag kang mag aassume na pde ang isang bagay kahit alam mong napakaliit ng chance na maging kayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento