A mother's love, may kagaya ba yan? Hinding hindi mo maihahalintulad ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Walang ina ang naghahangad ng hindi maganda sa kanyang mga anak. Maraming ibigsabihin ang pag-ibig, marami rin ang uri nito at isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa isang anak. Napaka makapangyarihan ng pagdarasal ng isang ina, bakit? Dahil ang panalangin nya ay may kahalong pagmamakaawa na dinggin ito ng panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi nya inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras. Ang ina kapag may pera, hindi iniisip kung magkakaroon ba siya ng bagong gamit o alahas. Laging nauuna sa listaha ang pangangailangan ng pamilya at kung may sobra man, magandang sapatos at napupusuang laruan ng kanyang anak ang ikasisiya niya. Ang ina sa hapag-kainan, hindi nangunguna sa ulam. Tinitingnan muna kung sapat ba ang hinain para sa kanyang mag-anak. Maliit na parte ang ihahain sa kanyang pinggan upang makitang mabusog at masigla ang anak sa tuwina. Ang ia madlang nating marinig na may iniinda, dahil para sa kanya ayaw niyang mag-aalala ang kanyang mga anak. Laha gagawin niya hangga't kaya nya.
Iba't iba ang ugali ng mga ina, at iba't iba rin ang pamamaraan nila ng pagpapalaki ng kanilang mga anak pero ang pag-ibig ng ina sa anak ay iisa... walng hanggan at walang katulad! Kaya ako, mahal na mahal ko ang ina ko! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento