![]() |
www.dream-wallpaper.com |
Nung ako ay bata pa wala akong pinagkaiba sa lahat ng tao, dahil lahat ng tao ay nanggaling sa pagkabata, may kanya kanya tayong karanasan, may masasaya, malulungkot at masalimuot na karanasan. Nung ako ay bata pa, mahilig din ako maglaro, madami akong kaibigan, lagi akong nasa labas ng aming bahay, lagi ako nakikipaglaro ng Chinese garter, at bahay bahayan. Pinakapaborito kong laruin ang lutu-lutuan ko, mahilig ako mangolekta ng mga gamit panglutuan. Hilig ko rin ang maligo sa ulan kasama ng mga kaibigan ko. Hindi maihahambing ang kaligayahan na naranasan nnung kabataan dahil habang bata ka, malaya ka.
Ako ay lumaki sa isang masayang pamilya. Hindi mo masasabing perpekto dahil oo, hindi naman kami kayamanan, pero sa pamilya na meron ako ngayon, hindi mo kakailanganin ang yaman kasi Makita mo lang sila na masaya, hindi na masusuklian ng pera yun. Ang buhay na meron ako nung bata pa ako, masaya naman kasi lahat ng gusto ko nung kabataan ko halos lahat naman naibigay nila, kasi kumpleto ang pamilya ko at araw araw ay mayroong ngiti sa aming mga mukha na hindi mo mahahanap sa ibang pamilya. Naging masaya ako hanggang ngayon sa kinaroroonan kokasi hindi ako sasaya ng ganito kung hindi nagging masaya ang aking nagging karanasan, ito ang nagbungang ako sa isang karanasang binigyan ako ng pagkakataon na makamit ang kung anong meron ako ngayon. Hindi lahat ng bata sa ating bansa ay nagkakaroon ng isang pamilya, isang masayang pamilya, kaya tayo ang magsimula, wag nating iparanas sa mga susunod na henerasyon ng kabataa ang hindi nila "deserved".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento