Madami ang tumututol sa "divorce", ang batas ng pilipinas ay hindi pinapayagan ang divorce sa ating bansa. Marami kasing magiging epekto ang divorce sa ating bansa lalo na ngayon at nagkaroon tayo ng issue na ang RH Bill ay nakapasa na ngayon sa ating kongreso kung saan napakadami din ang tumutol ditto, sa ibang bansa ayos lang ang magkaroon ng divorce pero sa ating bansa hindi ito pwede dahil mga kristiyano tayo, kung saan ang kasal ay binibigyan ng napakalaking importansya, ang diyos ang nagsama sa inyong dalawa kaya kasalanan ang maghihiwalay sa inyong dalawa. Pero meron din sa ating bansa na tinatawag na annulment at legal separation kung saan ang batas ang nagsasaad ng paghihiwalay ng isang mag asawa, tumutol ditto ang ating simbahan pero ito ay naaksyunan lamang dahil mayroong ilang "circumstances" na ang ama o ina ay hindi magkaroon ng pagkakaunawaan na nagdudulot ng mga pagsasakitan hanggang sa patayan kaya hindi na ito nahadlangan ng ating mga kaparian, dahil sa maganda nitong layunin.
Napakalaking prolema pag naayunan ang diborsyo ditto sa ating bansa ilan sa mga ito ang:
Unang una, labag ito sa ating panginoon kagaya ng mga nasabi sa nauna kanina. Padalawa, hindi ito sagot sa mga karahasan na nangyayari sa mag asawa at sa kanilang mga anakkundi ito ay magiging isang problema na lamang dahil imbis na isang pamilya na lamang nasira, makakadamay pa ito sa ibang pamilya na may posibilidad na magiging doble pa ang karahasang mangyayare. Pangatlo, pinalalawak nito ang pagiging isang immoral ng tao. Ang "divorce" ay parang isang medisina, pero isang uri ng medisina na hindi nirerekomenda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento