First of all, love sees no gender, it is all about the love, it's not about who you are, or what you are.
Napakaraming epekto ng pagkakaroon ng kasalang parehas ang kasarian. May mabubuti at masasama itong epekto. Ang mabuti ay para sa mga taong mag ka-ibigan, ang masama naman ay para sa mga taong nakapaligid sa kanila. Sa isang nagmamahalan, hindi na kailangan pang tingnan ang kasarian nito dahil masasabi nating pag sa kanya tumibok ang puso mo, para sakanya talaga, willing kang magpakatanga at gawin ang lahat. Sa panahon ngayon, sa ibang bansa, hinahayaan na nila ang ganitong kultura, pero sa ating bansa, hindi pumapayag ang mga pari dahil labag ito sa utos ng ating panginoon. Pero hindi na mapipigilan ang ating bagong sibilisasyon dahil kung hindi ito pinapayagan sa ating bansa, sa ibang bansa sila lumilipat para dun ikasal. Malaki ang epekto nito dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa kanila, may mga taong huhusgahan sila kung kaya't mahihirapan silang makibagay sa lugar tulad ng ating bansa kung saan lumaki tayong mayroong "racial discrimination". Masasabing nasanay at kinalakihan na ng mga pinoy ang ganitong kultura na ang mga bagay bagay ay nakikita lang nila sa pang labas na kaanyuan at hindi sa pangkalooban. Hindi nila iniisip na kahit parehs silang lalaki na nagpakasal, o parehas na babae, sila naman ay tao din na ma karapatang irespeto katulad natin. Ang mga tao ay may kanya kanyang pananaw sa buha, ma kanyan kanyang pag iisip at kagustuhan sa buhay kaya kung ano man ang nais gawin ng isang tao, basta ito ang makakapagpasaya sa kanya, hayaan lang natin siladahil Pilipino tayo at kung saan masaya ang kapwa, dapat handa tayong sumuporta kahit ano pa man, kahit sino man.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento