Linggo, Disyembre 20, 2015

"Dog", A Man's Bestfriend

 
 
             Ano ba ang isang kaibigan? Binibigyang katuturan ng isang diksyunaryo ang salitang kaibigan bilang "Isang tao na nakikisama sa isa pa dahil sa pag mamahal o pag papahalaga", Matutulungan ka ng isang kaibigan ,ng isang tunay na kaibigan na ituon ang iyong pag iisip sa mga bagay na kapaki-pakinabang . Mapapasigla at mapapatibay ka niya sa mga panahon ng kagipitan. Makikiramay pa nga siya sa iyong mga dalamhati, "Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinapanganak kapag may kapabagabag. Ang mabubuti at matatalik na kaibigan ay kabilang sa mga bihirang kaloob sa atin na makakapag dulot ng positibong impluwensiya sa iyo. Isang sanggalang ang isang tunay na kaibigan at sa isa pang paraan :Ang mga sugat na idinudulot ng pag ibig ay tapat. na meron kang kaibigan na handing umalalay sa iyo.
 
             Pero sa ngayon ang aso ay pwede na din nating maging kaibigan, kasi sa panahon ngayon may mga tao na kahit kaibigan mo ay pwede ka pa din niyang siraan at pwede kang atakihin patalikod. Kaya sa ngayon madami na ang nag aalaga ng aso kasi bukod sa napakalambing ng aso handa ka talaga nila protektahan kapag nalagay ka sa isang sitwasyon na mararamdaman niyang nasa panganib ang iyong buhay. at handa silang ibuwis ang kanilang buhay para sa kanilang amo o kaibigan nila. Maraming naidudulot na mabuti ang mga aso , napakatalas ng kanilang pakiramdam kaya bantay talaga nila ang inyong buhay, ang aso ay isang hayop na naayon sa amo ang kanilang ugali kasi ang aso ay pag ginutom ay siguradong parating galit ang aso at mag hahanap ng pagkain pero pag maganda ang trato mo sa isang aso ay siguradong maganda din ang trato ng aso sa iyo.
 
             Ang aso ay tulad din natin na nakakaramdam din , pag malungkot tayo ay malungkot din sila , pag nakikipag laro ka sa kanila ay alam din nila .Ang aso ay may buhay din tulad natin kaya mahalin natin sila at huwag hayaan na dahil lahat ng may buhay ay ginawa ng diyos. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento