When it comes to love , maraming marami talagang tao ang makaka relate, ano ba talaga ang love ?
Love, pwede yan sa sarili mo , sa pamilya mo , kay "god", sa mga kamag anak mo, sa mga kaibigan mo at sa taong nag pahulog sa iyong damdamin, yung tao bang pumukaw ng iyong tingin.
Napakaraming ibig sabihin ang love , siyempre sino ba naman ang taong hindi makakarelate sa salitang love, eh lahat naman ng tao nag mamahalan, may kanya kanya tayong pakahulugan sa salitang love, pero ako , love is ...
May isang taong bumighani sa puso ko , lahat ng kailangan ko para sa isang kapareha sa buhay ay nakuha na niya ,lahat ng hinahanap ko natagpuan ko sa kanya, hinding hindi na ako hihiling pa ng iba kung hindi , siya lang. Napakasaya ko nung nakilala ko siya, wala na akong magawa ngayon kung hindi ang isipin siya , dalawang taon na kaming nag mamahalan , siya ang una't huli kong mamahalin ng ganito , maaaring hindi siya ang una kong minahal pero ipinapangako ko naming siya ang huli kong mamahalin. Sabi nga ng aking ina, sundan ko ang pangarap ko , kaya hanggang ngayon sinusundan ko pa din siya, maligaya ako kasi , kung hindi dahil sa kanya hindi ako sasaya ng ganito, hinding hindi ko mararanasan ang mga ganito, pero siyempre ang love hindi yan puro kaligayahan meron pa din yang lungkot siyempre. Magkakaruon kayo ng tampuhan , ng bangayan at awayan pero hiindi naman humahantong sa hiwalayan. Meron din mga bagay kayong mararanasan na minsan ay kailangang pang lumayo ng taong mahal mo para makamit ang pangarap ,pero dapat hindi mawalan ng pagasa dahil ang taong may tiwala sa minamahal niya ay ang taong mag kakaruon ng wagas na pag ibig. Oo , hindi kayo mag kasama ngayon , oo, may mga bagay kayong hindi nagagawa , pero pag ang inisip mo lang ay pang kasalukuyan lamang kaligayahan ay hindi mo makakamtam ang future happiness , kaya dapat manalig ka at mag tiwala dahil hindi ngayon siguro pero sinisigurado ko naman sayo na , bukas ,bukas ang magiging simula ng kaligayahan mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento