Huwebes, Marso 24, 2016

"Muling Ibalik"

                                             http://www.love-quotes-and-quotations.com/tagalog-love-quotes.html

Oo , maraming bagay tayong hindi napag kakasunduan , oo maraming bagay tayong pinag tatalunan pero kaya natin to alam ko ,nakikiusap ako , gusto ko ibalik natin kung ano ang meron sating dalawa, Ngayong nag kalayo tayo ng landas, Gusto kong sabihin sayo na lumayo lang ako , pero hindi ang puso ko , Ikaw pa din ang mahal ko at mamahalin ko pang habang buhay , sana maintindhan mo na habang buhay ikaw lang promise, kahit ilang beses pa tayo mag away , kahit ilang beses pa tayo mag hiwalay at sabihn mong hindi mo na ako mahal . hinding hindi mag babago ang pag tingin ko sa yo, Isinulat ko to at ginawa hindi dahil gusto ko , Isinulat ko to at ginawa yun ay para alam ko or kung babasahin mo to gusto kong sabihin sayo na ,, Ikaw pa din :) , Ikaw lang Ikaw lang talaga, Antayin mo lang ako ,, Pianapangako ko sayo babawiin ko ang araw na nag kalayo tayo , Babawiin ko ang araw na hindi na nalungkot ,, Bawat araw papasayahin kita  at higit sa lahat , Ibibigay ko na sayo ang lahat ng oras ko , kaya please , Stick with me , And stay with me .. MULING IBALIK natin ang meron tayo. I love you. and i miss you so much.

Pero kung darating naman ang araw na wala na talaga at ayaw mo na sa akin , ito lang masasabi ko sayo, 
 sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong yakapin kita habang sinasabi, “Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya.”

"Pangulo ng Pilipinas"

http://metaporista.com/2015/01/29/mga-presidente-ng-pilipinas/

                      Kahit malayo pa ang 2016 Presidential Election sa Pilipinas ay abala na ang kaniya-kaniyang partido political sa buong bansa. Nariyan ang kanilang pag-aaral sa kahinaan ng mga botante kung saan ay dito nila napapalambot ang puso ng mga botanteng ayaw sa kanila sa pamamagitan ng mga sandamakmak na mga pangako na may kasamang mga suhol na mga patago. Ito ay matagal nang pamamaraan ng mga pulitiko laluna ang mga tumanda na sa pulitika at uugod-ugod subalit sumasabak parin dahil ayaw mawala ang kaniyang koneksyon at impluwensya na sinusupurtahan naman ng mga mamamayan na ayaw makisama sa panawagan ng pagbabago sa hanay ng maling sistema ng pulitika sa bansa na dekada na ang nakalilipas. Kamakailan ay nagsilabasan na ang mga interes ng mga nasa showbiz sa pulitika dahil alam nila na dahil sa kanilang kasikatan ay lamang na sila sa mga makakalaban nila sa pulitika laluna kung bibo at biba pa sa pamimigay ng pera o pasuksok para sila ay suportahan. Nakalulungkot na isipin ang ganitong sistema o mga pangyayari sa larangan ng pulitika sa bansa dahil kahit walang alam sa batas subalit papyular sa mga tao dahil artista ay iboboto na? Hindi na natuto ang mga karamihang mamamayang Filipino. Ayaw maki-isa sa panawagan ng maraming adbokasya sa buong bansa hinggil sa pagbabago para maiba naman ang pamamaraang political na siyang ugat ng korapsyon at paghihirap ng maraming mamamayan.
                   Ikaw ? Sino ang pangulo please. VOTE WISELY. 

"Police"

https://sunlightfoundation.com/blog/2015/05/01/baltimores-open-but-not-current-police-data/
                      Panget na ang imahe ng pulis ngayon sa ating bansa, ang nakikita lang kasi ng tao ay ang mga pulis na gumagawa ng masama , hindi nila nakikita ang mga mabubuting ginagawa ng pulis , maraming namamatay na pulis dahil sa mga masasamanag tao pero hindi nababalita ang kanilang kabayanihan, ang media ang nag papasama ng imahe ng pulis sa mga tao , totoong maganda ang dulot ng police sa mga sambayanan sila ang nag papatupad ng batas. Dati kinatatakutan ang pulis pero ngayon hindi na sila kinatatakutan dahil nagagalit na sa kanila ang mga tao dahil sa mga media na puro kasamaan lang nila ang pinapalabas. 
                      Kaliwa’t kanan ang problema, kontrobersiya at katiwalian sa hanay ng pulisya. Isang malaking hamon pa ang kakulangan ng mga pulis sa kagamitan tulad ng bala at baril. Tatlumpu’t tatlong porsyento o halos apat sa bawat sampung pulis ang walang short firearm samantalang lagpas kalahating porsyento o halos anim sa bawat sampung pulis naman ang walang long firearm.Ibig sabihin, sa higit isang daan at apatnapung libong pulis, nasa apatnaput pitong libo ang di pa naiisyuhan ng baril Bukod pa ito sa problema ng mga pulis sa kanilang nakukuhang suweldo at benepisyo. Pero pulis pa din ang masama sa mga tao, Ang unfair ng buhay kaya kailangan natin ng isang pangulo na may displinado sa lahat ng bagay. 

"Paano ba mag move on ?"

http://onlyroby.blogspot.com/2013/05/move-on-move-on-pano-yun.html

                      Sabi niya paano ka nakamove-on? sabi ko, lumayo ako, lumayo ako hindi para makalimutan ang tao. Lumayo ako para sa sarili ko, minahal ko ulit sarili ko. Binura ko lahat ng magbibigay sakin ng ala-ala sa kanya, kasi kung iisipin mo, nakakaprolong ng agony, kung hindi mo mabura, kailan pa? ikaw din lugi eh, kaya gawin mo na lahat, gamitin mo ang sakit na nararamdaman mo, i-divert mo para maging motivation. Kaya mo yan, kung iisipin mo lang ang sarili mo at tanggapin na wala na yun. Paano nga ba mag move on? Wala ka namang dapat sundin na rules para sa pagmo-move on. Kasi kung gugustuhin mo maka move on, matututo ka ng salitang let go, at acceptance. Oo masakit man sa ngayon yang nararamdaman mo, asahan mo pagdating ng araw gigising ka nalang at mapapasabi na, “Naka move on na ako.” Makakaya mo na siyang tingnan sa mata, ng wala ng nararamdaman pa. Hindi mo kailngan umiyak at magmukmok sa isaag taong hindi ka binigyan ng kahit katiting na halaga. Nasasaktan ka man ng sobra ngayon, Kung akala mo di mo kaya ng wala siya, akala mo lang iyon dahil napupuno pa ng pait ang puso mo. Pero balang araw marerealize mo na mali ka, kasi nakaya mong bumangon at tumayo sa sarili mo ng wala siya sa piling mo.



"Assuming"

https://www.quora.com/Which-feeling-is-worse-assuming-nobody-cares-and-found-out-its-the-opposite-too-late-or-assuming-people-care-until-you-find-out-that-they-dont
 
                 Pinakamahirap na bagay sa lahat ay ang mag assume ka na gusto ka ng taong gusto mo ang sakit sa pakiramdam pag nalaman mo ang totoong nararamdaman niya kaya please kang wag kang mag assume. Hindi solusyon ang pag-iwas sa pag-ibig para maiwasang masaktan. Kasi kapag sinabi mong iiwasan mong magmahal kasi ayaw mong masaktan para mo na rin sinabi na iiwasan mo ng kumain kasi ayaw mong tumaba.
                 Kapag sinabing “wag magpakatanga”, ibig sabihin gamitin mo ang utak mo at huwag puro puso ang sinusunod. Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na makaramdam ng pagmamahal. Kailangan mo lang alamin kung hanggang saan lang ang pwede mong ibigay.
                 Kasi kahit bakuran mo man ang sarili mo, ilayo mo man ang sarili mo sa mga taong handang magmahal sayo, hindi mo kakayanin. Kasi tao lang naman tayo, likas sa atin ang magmahal kahit na walang kasiguraduhan ang lahat, kahit pwede tayong masaktan sa huli.kaya kung ako sayo wag na wag kang mag aassume na pde ang isang bagay kahit alam mong napakaliit ng chance na maging kayo. 

"Iniwan"

http://vid.blogspot.website/Biglaang-Iniwan-By812-Music-Ft-Bjprowel-Video
                     Lagi mong tatandaan na hindi lahat ng bagay ay mananatili sayo. Huwag kang maniniwala na ang bagay ay totoong mag tatagal sayo dahil kahit buhay ng tao ay nawawala. May mga bagay talaga na hindi naiintindhan ang isang tao kaya kahit anong ipilit mo pag wala na wala na talaga. Mahirap malaman na ang bagay na matagal mo ng iningatan na saglit lang bigla na lang mawawala sayo na ang dating kayo ay hindi mo na maibabalik pa . Ang sakit di ba ? yun ang tinatawag na pag iwan , Ang katunayang wala ka ng pinang hahawakan pa , wala ng bagay na dating na sayo ,wala wala na lahat. Kaya payong kaibigan , habang nasayo pa ang bagay huwag na huwag mong sasayangin ang bawat oras na mag kasama kayo dahil kahit kelan hindi mo masasabi na mananatili talaga siya sayo.
                     Kung iniwan ka ng taong mahal mo, wag kang masyadong OA na tipong gusto mo nang magpakamatay dahil nawala siya. Ano siya internal organ mo na kapag nawala, mawawala na din ang buhay mo? Mga Kuya at Ate, OK lang umiyak pero wag sobra, OK lang malungkot pero wag lang sobra. Maraming taong nagmamahal sayo. Maraming ibang tao sa buong mundo. May mga basura talagang hindi dapat irecycle tulad ng taong nang-iwan o nanloko sayo. Basura will always be a basura. It’s up to you kung pupulutin mo, then I will call you a BASURERA o BASURERO

"Student Stress"

http://www.hoyespharmacy.com/how-to-cope-with-stress/
                              Hindi  tulad  ng  dati  ang  nagkaka  stress  lang  ay  ang  mga  taong nakakaranas  ng  problema  ngayon  pati estudyante na ay nakakaranas na ng stress dahil humaharap na rin ang mga estudyante sa mga nakaraming suliranin mga gawain. at ang stress o minsa’y tinatawag na tensiyon sa Filipino ay isang sitwasyon na kung saan ay dumadaan sa pakiramdam na ikaw ay nahihirapan, nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa.  Ang stress ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa maraming tao. May antas ng stress na hindi naman nakakapanira. Ang katamtamang lebel nito ay nakakatulong sa katawan at isipan na harapin ang mga hamon ng mahihirap na suliranin at tuwing oras ng krisis.  Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang tao sa kanyang pampisikal at sa pagisip. Ito ay maaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso, matinding pagsakit ng ulo, atbp. Ang tuloy-tuloy na stress ay nakakaapekto sa pangaraw-araw na gawain, nagpapababa ng pagpapahalaga sa sarili, nakakapanira ng magandang relasyon sa tahanan at kaibigan, pagbabawas sa gana at pagiging produktibo sa trabaho at humahantong sa matinding pagsisi sa sarili.

Linggo, Pebrero 21, 2016

"Presidential Debate"

http://www.philstar.com/headlines/2016/01/21/1544888/comelec-releases-initial-list-presidential-vp-candidates
                                Presidential Debate happened now , February 21 , 2016, Marami ang gustong tumakbo bilang isang pangulo , maraming nag pasa ng candidacy pero ngayong debate limang kandidato bilang pangulo ang nag karuon ng isang debate para malaman ang kani kanilang pahayag about sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa. Nandito si Vice President Jejomar Binay , Senator Grace Poe , Si Davao Mayor Rodrigo Duterte , Si Senator Mirriam Defensor Santiago at ang Former DILG secretary na si Mar Roxas. Base sa napanuod kong debate, si duterte at si mirriam defensor santiago ay mag kakampe , parehas silang suma sangayon sa kanilang mga sinasabi , nag karuon lang ng mainit na pag lalabas ng mga saluobin si jejomar binay at si mar roxas , dahil na rin siguro sa mga bagay na nagawa nila at mga gagawin na nag karuon ng conflict sa bawat isa, Si Mar Roxas at Duterte na nag karuon ng salitaan sa social Media ay walang naging diskusyon sa debate ang mga personal na bagay ay kanilang isinantabi which why they are called professional di ba ?
                          Ikaw sino ang iboboto mo sa mga tumatakbong pangulo ,gaya nga ng sinasabi ni mirriam santiago ,, puro promises , puro salitaan , nasan naman ang gawa ? Sa atin nakasalalay kung sino ang susunod na lider na uupo upang gabayan ang ating bansa. Maging mapanuri at suriin ang bawat sinasabi, dahil hindi lahat ng salitang nagmumula sa bibig ay galing sa puso at isip
                    
 I hope this will be a new beginning of the Philippines against graft and corruption, drugs, crime, and poverty! Furtherance towards economic development, employment and infrastractures, sustainable agriculture and fishery sectors, availability of free health and education, cheaper foods and reformation of our taxes, Duterte ako :) 


"Dignity"

http://bina.com.au/article/dying-with-dignity
                        Dignity, ito ang pinaka pinanghahawakan ng isang tao lalo pa't alam niya sa sarili niya na tama ang ginagawa niya at alam niyang wala siyang naapakan o nadadaling tao. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makakasama sa ‟yo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa ‟yo makabubuti din ito sa kanya. ito ang golden rule na isinasa alang alang ng isang tao na may dignidad. Sabi nga ng diyos  “mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa ‟yong sarili.” Mahalin mo ang kapwa kapantay ng iyong pagmamahal sa sarili: Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao.Ang dignidad ay nangangahulugang likas na karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may pantay-pantay na dignidad. Ang tao ay karapat-dapat sa paggalang at pagpapahalaga ng ibang tao.Ang tao ay may likas na kakayahang hubugin at paunlarin ang kanyang sarili dahil dito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod tanging tao ang mabigat na dahilan ng kanyang dignidad. Hindi ito mawawala sa tao sapagkat hindi mababago ang kanyang kalikasan bilang tao.Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang walang maapektuhan. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, magkakapantay ang lahat. Samaktuwid, may tungkulin ang bawat isa sa atin na ituring ang ibang tao bilang kapwa na katulad natin, na may dignidad.
               Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin ng iyong kapwa sa iyo”. Kung naghahangad ka ng pansariling kabutihan ang iyong kapwa ay ganundin para sa kanyang sarili. Kung ito ay kikilalanin ninyong pareho siguradong magiging payapa ang inyong mundo.

"Rights"

http://www.intlawgrrls.com/2012/12/the-future-of-human-rights-in-americas.html


                   Marami tayong uri ng karapatan pero ang pinakamahalaga sa lahat ang human rights o ang karapatang pantao , unang una karapatan ng isang tao ang mabuhay , lahat ng tao ay malaya na gawin kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya,Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa ating batas, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya.Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.
                 Sa dami ng karapatan ng isang tao , walang sinuman ang may kayang humadlang dito , kahit pa anong estado mo sa buhay, huwag na huwag kang mang aapak ng tao dahil sa mata ng diyos pantay pantay tayong lahat. 

Miyerkules, Pebrero 10, 2016

"OFW"

                    
                                                 http://royalista1.weebly.com/ofw-ka-ba.html

                         Ang mga ofw , ang mga ofw ay mga pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang ekonomiya ng sariling bansa.  Mga Pilipinong patuloy na umaasa na makaahon ang Pilipinas sa kahirapan na siyang nagiging isang malaking dahilan kung bakit hindi pa rin natin natatamo ang pinapangarap at inaasam-asam na kaunlaran.  Mga Pilpinong kinikilala at ikinararangal ng ating pamahalaan bilang , pinakamainam na produktong pang-export ng bansa.  Mga Pilipinong nagiging sandigan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling nakatayo ang Pilipinas at patuloy na nakikibaka upang makamtan ang inaasam-asam na kaunlaran. Mga Pilipinong nakakapag-remit ng bilyun-bilyong dolyar pati dirhmas na din , na nakakatulong para mapanatiling maayos ang ekonomiya ng Pilipinas kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang mga pamilya, pagkakawasak ng ibang tahanan, diskriminasyon, kalupitan at karahasan sa ilan, o kaya naman ay pagkakakaroon ng miserableng pamumuhay sa pakikibaka at  paninilbihan sa mga banyaga.
                 Sobrang sakripisyo ang ginagawa ng mga ofw , unang una ang mapalayo sa mga minamahal mo , sobrang hirap ang lahat ng nakagisnan parang wala lang , parang wala na lang , hindi mo na maramdaman ang saya na nararamdaman mo pag kasama mo siya , hindi mo na maramdaman ang iyakan ang mga pananabik ang mga surprises ang sarap pag nasa tabi mo ang minamahal mo ,Ayun ang pinaka masakit at pinakamahirap na kalagayan ng isang ofw ang malayo sa taong minamahal niya. tayong mga Pilipino, saan mang panig ng Pilipinas o saan mang panig ng mundo tayo naroroon, basta alam mong ikaw ay isang Pilipino at nakikipaglaban ka hindi para sa mga dayuhan kundi para sa mga kababayan nating mga Pilipino, ay sumasaludo po ako sa inyo. :D

"Feasibility Study"


http://www.edec.org.vn/services/business-model/feasibility-study


              A feasibility study aims to objectively and rationally uncover the strengths and weaknesses of an existing business or proposed venture, opportunities and threats present in the environment, the resources required to carry through, and ultimately the prospects for success. In its simplest terms, the two criteria to judge feasibility are cost required and value to be attained. Kung tutuusin mas mahirap pa ang feasibility study kesa sa thesis kasi ang thesis , it is a solution to a problem pero ang feasibility study , kailangan mo pa mismo makagawa ng product para ma i discuss at kung paano to mapapaunlad, kikita at mag kakaruon ng kapakinabangan.
              Pag nakaisip ka na ng product at ito ang iyong na presenta darating yung point na wa;a ng atrasan.
 
This does not mean you cannot decide to back out finally, but by this, I mean it is a point or stage at which there is no other option than to just go ahead and execute the business plan. This decision is one of the critical ones in business development. It is the ‘point of no return’ in the sense that once you have definitely decided to pursue a particular business setting, there is usually no more turning back.
              Ito ang nag bibigay ng stress sa akin araw araw, kung pwede lang talaga iwasan tong subject na ito ay iiwasan ko pero hindi , dahil kailangan ito para maka graduate ka , Ang pagiging isang kolehiyala ay hindi biro napakaraming pag subok talaga ang dadaan sa buhay mo , pero sabi nga ng diyos kailangan mong mag sikap para makamit ang iyong mga pangarap. yun ang palagi kong ini isip kaya hanggang ngayon nag pupuyat ako at nag sisikap namatapos itong parte ng pag abot ko ng aking pangarap. Para maging isang magaling na businesswoman kailangan mong pag daan ang mga ganitong bagay , to earn success, kahit mag kamali ka wag kang ma down, gawin mo ang pag kakamali mo as stepping stone para sa pag abot ng iyong mga pangarap. 

"Fries"

http://cowcrumbs.com/tag/fries/

                      French fries, after all, are the food equivalent of The Universal Truth. The basic food that everyone agrees on, It’s funny we just had some fried bread  the other day. We were at the store the other day kasama ko ate ko and he wasn’t sure if Smell was good to eat so he asked the guy standing next to him if it was fit to eat. The guy looked at me and said, that’s fries. LOL! I guess he won’t know how good the fries is. Sa bahay naman namin kung anong sangkap ang mayroon sa aking kusina ay iniimbento ko lang minsang ang niluluto ko.kalimitan ay kapag walang oras ng mag groseri....So Pinaghahalo ko lang ang mga sangkap kung anong mayroon ,para maka imbento ng putahe..basta marunong kayong kumuha ng tamang timpla ng ibat ibang lasa ng putahe..madali lang magluto. Pero pag nakita ko ang fries ,,i fried mo lang ang then ayun ndi ka pa tapos mag luto pero yung nauna mo ng hanguin ay parang nawawala na ng bula . 

                  Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa fries pero sobrang addictive siya para sakin , ang sarap niya kainin pag may date ka , pag wala ka ginagawa pag naboboring ka , lalong lalo na pag nanunuod ka ng movie , napakasarap kumain talaga ng fries. simpleng patatas na ni prito lang ang fries pero nakaka adik siya, masarap ito pag nilagyan mo ng cheese powder o kung lalagyan mo din ito ng ketsup. Ito ang madalas kong orderin sa mga fast food chain lalong lalo na pag kasama ko ang taong mahal ko, 

Lunes, Pebrero 8, 2016

"Technology"

Technology, sa panahon ngayon masasabj kong halos lahat ng tao ay bulag na sa teknolihiya. Lalong lalo na ang mga kabataan karamiha  sa kanila sa teknolohiya na nakadepende. Halos lahat ng bagay naka asa na lamag dito. Merong maganda at masamang dulot ang teknolohiya. Unahin natin ang magandang dulot nito, una nakakatulong ito para mapadali ang gawain ng isang tao. Isa na dito ang paggamit ng computer, nakakatulong ito para magbigay ng mga mahahalagang impormasyon, at para makausap natin ang mga taong mahahalaga sa atin lalo na't nasa malayong lugar sila. Mas napapalawak nito ang pakikipagkomunikasyon ng bawat isa at magpahayag ng mga nais nila. Nakakatuling din ito para makabuo ng isang magandang samahan, karamihan sa atin ngayon ay nagigiging magkaibigan through technology/social media. Pero sa kabilang banda, may masamang naidudulot din ito sa mga tao tulad ng, ditk na nila iniaasa ang paggawa ng mga dapat ay sarili na nila mismk ang gumagawa, masyado na silang nakadepende dito at nakakalimutan na ang dating nakasanayan na mga gawain gaya ng dati. Isa na dito ang, kung dati kapag gumagawa ng homework ay sa libro tumitingin at binabasa, ngayon isang click lang nila ay makikita agad nila ang kelangan nila ng walang kahurap hirap. Masyado nang umaasa ang mga tao sa teknolohiya kung kaya't nagigiging tamad na sila. Masyadosilang nagpapakabulat at nagpapakaalipin sa teknolohiya.

Kaya naman masasabi kong dapat ay marunong tayong maglimita ng ating sarili sa paggamit ng teknolohiya.

Miyerkules, Pebrero 3, 2016

"Business"

http://www.ciksolutions.co.uk/business-solutions/

                          Everybody wants to have business , especially a successful business. Sino ba naman ang aayaw sa isang business na kahit pa upo upo ka lang kikita ka na di ba ? Napakaraming tao ang naghangad ng isang business na mag papa ahon sa kani kanilang buhay , ang mag papa aral sa kanilang mga anak mga kapatid o kung sino pang mahal sa buhay , ang mag tataguyod ng isang ehemplo ng isang pamilya. Sa likod ng isang business siyempre maraming tao ang magiging kalaban mo o kakompetensiya mo dahil na nga sa daming tao ang nag hangad ng yumaman na kahit hindi kanilang gawa ay gagayanin nila dahil ito rin ang nag sisilbing pamumuhay nila para maitaguyod ang kanilang pamilya. Kaya itong bansa natin o itong mundo natin ay tinatawag na a world of business. Minsan hindi mo na masyado mapapagkakatiwalaan ang tao sa paligid mo hindi mo alam baka binibusiness ka na niya sa simpleng bagay na may ibebenta siya sayo or isales talk ka niya. Napakaraming uri ang isang business hanggat ito ay mapagkukunan mo ng salapi para ikabuhay ito ay masasabi mong business.
                        Kaya ako ngayon nag aaral ako sa BSU, taking Business Administration major in marketing , One of my deepest passion is helping other people like  when i succeed you succeed too, by sharing you all the knowledge and skills that I've learned and will learn and hopefully inspire and empower you in your business journey, to unlock your untapped and hidden potentials that will bring positive results for you and to those people around you. 


                   I believe that in order for us to be successful we need to be willing to help others as well to find success. okay ? 

"Love quarrel"

https://www.wattpad.com/136355109-a-bitter's-diary-chapter-16-the-first-love-quarrel

                        Hindi sa lahat ng pag kakataon palagi kayong masaya ng karelasyon mo, syempre meron din namang nadating sa point na nag kakagalit kayo or meron kayong hindi pag kakaintindihan. Pero sa daming pag subok na nadaan sa ating buhay simple lang ang laging nagiging dahilan ng isang love quarrel. Hindi naman sa pag papasama ng image naming mga babae pero meron kameng ilang circumstances kung bakit nag kaka away kameng mga babae sa mga lalaki na aming karelasyon. 
                  May oras lang talaga na pag wala kame sa mood ay sumasabay ang mga lalaki tapos bigla nila tayong aawayin na din. Minsan kasi hindi tayo naiintindihan ng mga lalaki pero kadalasan naiisip ko dapat pala naiintindihan natin sila kasi tayo yung pilit nilang ini intindi meron kasing point na pag nag kakaruon tayong mga babae ay nag iiba iba ang mga mood natin kaya pati karelasyon natin ay nadadamay sa mga bagay bagay. Kaka awa din sila , sila na yung hirap makaintindi pero sila pa din yung nanunuyo satin. Pero dun mo talaga makikita ang lalaki kung totoong nag mamahal siya sayo, 
                  Kaya wag kayong mag alala hanggat kayong pag tiisan ng mahal niyong karelasyon , okay lang yan pero wag niyo lang tatanungin din ang sarili niyo kung dumating ang point na bumitaw na sila hindi dahil sa away niyo kundi dahil sa naging karanasan niya sayo, Kaya lagi niyong tatandaan ha ? What I tell young couples that are getting married is: you're going to have quarrels, and on some things, you're just going to have to agree to disagree. And when you go to bed at night, kiss each other and tell each other that you love each other. Don't go to bed mad. Life is too short. Keep it simple. okay ? . That's all for me :D

Biyernes, Enero 22, 2016

"Take Advantage"

http://www.gbcdecatur.org/sermons/TakeAdvantage.html
                    Take Advantage, sobrang daming tao na ang gumagawa nito, ang tao kasi ngayon sobra na sila kung maniwala sa mga bagay bagay kaya hindi nila alam nahahadlangan na o nakukuhanan na sila. As long as ang racism ay nandyan , hindi mawawala ang pag kakaruon ng mapag lamang na tao , kasi sobrang dami ng taong mapag mataas, mapag lamang at higit sa lahat ang mapang apak lalong lalo na sa katayuan o estado ng isang tao.

                    Meron ding tao na nang te-take advantage na as long as napapakinabangan ka ay talagang nandiyan siya para sayo hangga't may napapala pa siya sayo andiyan pa rin siya sa tabi pero pag wala na siyang mapala at nakuha na niya ang gusto niya ay bigla na lamang niya itong iiwan. Usong uso ito sa atin lalo na sating mga pilipino. Kaya mag ingat tayo sa mga taong nakakasalamuha natin ,sa mga taong kakilala natin , hindi porket alam mo ang pangalan niya ay alam mo na ang buong pag katao niya. Lagi nilang sinasabi na walang taong maloloko kung walang taong mag papaloko , pero una sa lahat hindi maiiwasan sa isang tao ang may makilalang tao na binigyan niya agad ng tiwala niya lalo pa't ang pinapakita niya sa kanya ay mga bagay na ka aya aya ,, kaya mahuhulog agad tayo na di na natin alam ay balak pala , kaya wag mag sabi ng ganun. Ang tao ay kilalanin mo ng lubusan at kung walang konsensya , lolokohin at lolokohin ka niya. 

"TRUST"

http://blog.firefishsoftware.com/why-people-dont-trust-recruiters-and-how-to-be-different
                     Sa ating mga filipino napakadaling magbigay ng tiwala ang tao. Mababit kasi tayong mga pinoy kaya ang tiwala ang pinakaunang kailangan natin para mag karuon tayo ng isang tinatawag na samahan. Ang tiwala (trust), ay ibinibigay din sa pagibig dahil kaya mo minahal ang isang tao ay para alam mo sa sarili mo na hinding hindi ka niya kayang lokohin. Lalo na pag ang isang tao ay lumayo sa piling mo , oo mahal mo siya , kaya kailangan mong ibigay ang iyong tiwala , pero ngayon base sa aking nakikita sa mga tao , ang mga nag mamahalan ngayon ay para maiwasan nila ang masaktan nila ang kapareha nila o ang kanilang minamahal ay pag may nagawa sila o may nagagawang kasalan hindi nila sinasabi ito dahil una ayaw nilang masaktan ang taong mahal nila. Pero para sa akin kung ayaw mong masaktan ang taong mahal mo dapat sinasabi mo na lang ito dahil mas sobrang sakit pag sa iba pa nalaman di ba ? Kaya kung ayaw mo na o kung gusto mo pa pala ang taong mahal mo sabihin mo lang lahat ang totoo dahil kung mahal ka talaga nito maiintindhan ka niya . Pero kung ayaw mo lang siya masaktan , PLEASE dont be selfish, sabihin mo ang totoo dahil mas masakit ang katotohanan lagi mong tatandaan yan.
                Mas maganda pa kung lahat ng bagay ibibigay alam mo kasi habang tumatagal mas lalo lang lalala ang mga bagay. kung ang ini isip mo ay dahil ayaw mong mawala ang mga nangyari na , ang mga masasayang bagay na nagawa niyo , mas nakaka gandang sabihin mo na lang ang totoo kesa paasahin ang taong mahal mo na wala na pala itong ina asahan pa. Kaya wag na wag mong sasayangin ang tiwala na binigay sa iyo ng taong mahal mo. 

Miyerkules, Enero 13, 2016

"Stress"

Madaming dahilan para ma'stress. Lahat tayo may kaniya kaniyang dahil at way kung bakit nai'stresa tayo. Merong konting ingay or bagay na di mo gusto nas'stress ka na agad. Ano ba talaga ang stress?? Para sakin, stress is when you can't handle enough situations especially kung sobrang dami nila. Yung tipong patong patong na ang mga problema mo pero di mo alam kung makakaya mo pa ba. Hanggang sa maiiyak na lang ako kasi di ko na alam kung pano pa ba tatapusin. Mahina ako kapag may mga bagay na alam kong mahihirapan ako pero kinakaya ko, oo kinakaya ko dahil sinasabi ko rin naman sa sarili ko na magiging maganda ang reaulta nito at worth it lahat ng stress. Sabi nga ng teacher ko ang problema ay dinadaanan lang hindi tinatambayan. Ako kasi once na magkaprob ako lalo na sa school hindi ko ma'take na makapagsaya. Yun na lang ng yun ang naiisip ko pero once naman na makatapos ako sobrang enjoy ako. Mabilis ako sumuko sa mga bagay bagay. Pero kinakaya ko kasi kailangan. Lalo na ngayon sa school madami kaming requirements na dapat matapos, pinakamahalaha ang FS. Kaya naman di maiiwasan na ma'stress pero kinakaya ko dahil alam ko na magiging maganda din naman lahat lahat ng kalalabasan ng ginagawa namin. Magiging worth it lahat ng paghihirap na naranasan at mararanasan pa lang. May tiwala din ako sa sarili ko at lalong lalo na kay God na gagabayan nya kami. Kaya sana maging maayos lahat :)

"Popular Chicken Adobo"





Chicken Adobo, also known as Adobong Manok in tagalog, is a stewed chicken meat in a mixture of garlic, vinegar and soy sauce. It is a very popular Filipino recipe in the Philippines and almost every household knows how to prepare it for lunch, dinner, and even breakfast. In fact, it is a signature dish of the Filipinos. It is being served on special occasions like barrio fiestas, birthdays, Christmas, noche buenas, christenings, weddings, meetings, reunions and other important gatherings. 

The vinegar marinate makes a dish that stores very well in the Filipino heat. Endless varieties of adobo exist and each region has its own specialty. Here are the ingredients to make Chicken Adobo:

  • 1 kilo chicken; cut into small sizes
  • 1 head garlic; pounded
  • 1 small onion; chopped
  • 4 dried bay leaves
  • 1/2 tablespoon peppercorns
  • 6 tablespoon soy sauce
  • 6 tablespoon vinegar
  • 1 cup rice water
  • 1 tablespoon oyster sauce (option add-on)
  • cotoking oil
Here are the steps on how to cook Chicken Adobo:
  1. Marinate chicken in soy sauce, garlic and peppercorns for 30 minutes.
  2. Fry onion, then drop the marinated chicken and bay leaves.
  3. Continue frying until liquid has evaporated and meat starts to render fat.
  4. Pour the marinate including the bits of garlic and a cup of rice water. Continue boiling in medium heat until chicken becomes tender.
  5. Pour vinegar and simmer it for 10 minutes.
  6. Prepare the dish and serve it with rice!

"Leadership"

Maraming ibigsabihin ang leadership. Hindi biro ang maging leader kasi marami kang kailangang maging katangian. L(loyal) - kailangan mong maging tapat hindi lang sa mga ka'miyembro mo kundi pati na rin mismo sa sarili mo para malman ng lahat na ikaw ay tapat at mapagkakatiwalaan. E(excellence) - ang pagiging leader ay may katangiang kailangan maging magaling para kahit anong hirap ng problema ay kayang gawan ng paraan. A(attitude) - ang isang leader ay di dapat maging "selfish", dapat marunong siya makibagay sa bawat miyembro nya para na rin magkaroon sila ng magandang samahan. D(discipline) - kailangan disiplinado ang isang leader, para alam nya kung hanggang saan ang mga limitasyon nya sa mga bawat pag kilos nya. E(education) - ang isang leader ay hindi kailangang mataas ang pinag arala, ang kailangan ay alam niya kung ano ginagawa niyaat maayos nya itong ginagawa. R(reliability) - ang isang leader ay dapat maaasahan dahil sa kanya nakasalalay ang mga pangangailangan ng bawat miyembro hindi lang sa mga ideya kundi pati na rin sa mga bagay na ikagaganda ng isang organisasyon. S(service) - ikaw ang isang leader na handing magbigay ng serbisyo para sa ikauunlad ng organisasyon. H(humility) - hindi porket leader ka ay palagi ka na lamang seryoso, kailangan mo din maging palabiro para magkaroon kayo ng magandang samahan ng iyong mga ka'miyembro, kailangan palagi kang nakangiti. I(integrity) - kailangan mong magkaroon ng paninindigan, kailangan marunong ka magdesisyon ng tama. P(purpose) - ikaw ay leader, hindi ka ginawang leader para mag utos lamang, ikaw ay leader para mamuno at maging isang magandang halimbawapara sa iyong mga miyembro. 

Kung gusto mo maging leader, dapat alam mo kung ano ang kaya mong gawin at pinakamahalaga ay dapat kilala mo ang sarili mo.

"I don't have the guts"

I don't have the guts, nasasabi ko yan sa sarili ko kapag nakikita ko sya. Oo sya!, sya yung hindi ko magawang kausapin kasi nag aalangan ako, sya yung di ko kaya lapitan agad agad kasi natatakot ako. Alam ko naman mabait sya sa mga kakilala nya lalo na sa mga ka'close nya. Masasabi ko ding napaka cool nya sobraaaa. Magaling din sya mag jokes lalo na yung way ng pagsasalita nya. Nung first year ako akala ko makakaclose ko sya. First impression ko kasi sa kanya is cool, mabait at masarap kasama. Pero nung lumilipas ang mga araw nung nakikilala ko na sya unti unti, nagbago tingin ko sa kanya, akala ko ganun sya kadaling makaclose pero mali ako. Hindi pala. Kasi unti unti napapansin ko na may pagkamaarte sya sa ibang bagay, nakakatakot sya kausapin ng akala mo close kayo kasi nambabara sya na yung way ng pambabara nya ay di mo alam kung galit ba sya or joke pa rin yun. Magaling sya mag make face. Natutuwa ako the way he speaks. Pero once na makita mo syang seryoso matatakot ka talaga. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nafifeel ko pagdating sa kanya. Wala akong gusto sa kanya. Nai'intimidate kasi ako. Parang ang galing galing nya maghandle ng mga bagay bagay parang lahat sa kanya easy easy lang. Napaka professional pa nya minsan. Bastaaaa natatakot ako na kausapin sya ng akala mo friends kayo. Lumalapit lang ako sa kanya kapag kelangan kausapin at may itatanong. Buong loob ko hinahanda ko para lang makausap sya dahol kapag kaharap ko na sya sobrang kinakabahan ako na any minute e mapapahiya ka na lang kasi baka barahin ka nyaaa. Takot ako na lumapit sa kanya kasi feeling ko ang taas taas ng standards nya sa lahat ng bagay. Madami na syang nashare sa amin na talagang naka encourage naman talagaaa. May pagka perfectionist din sya. Basta ayun. One time nga iyak na ako, kasi akala ko talaga galit na galit syaaaaa napahiya ako kasi ang palpak ko dahil di ko agad nagets ang sinesenyas nya napaka slow ko that time. After nun napaiyak na lang talaga ako sa mga friends ko kasi feeling ko talaga nahiya akoooo. Pero sabi nila sobrang stress lang daw yun kaya ganun kaya wag ko na isipin. After nun mas lalo ako na awkward sa kanya. Pero masasabi ko rin na kapag nasa good mood sya masaya sya kausap. Basta ayan lang. Masyado akong magulo mag explain pero ganan talaga yung gusto ko masabi para sa kanya. Aana dumating yung aaw na komportable na ako sa pakikipag usap sa kanya tulad ng iba :)

Huwebes, Enero 7, 2016

"Reminiscing"

http://fineartamerica.com/featured/reminiscing-chad-dutson.html

                                It is not bad to go back to the past , actually it is very optional,its up to you if you want to go back for it, many people choses not to bring up the past but your not yourself now if you didn;t come up with the past. I want to tell you something why did i choose this topic for these blog. People reminisce for a reason, one to bring up the memories, two, to be happy and have feeling that im not here without it and lastly to move on.
                       People abroad or literally saying overseas filipino workers, they are the person who always reminisce. They open think a lot of memories especially if they are parents. But most of all , the person away from her love ones are the person who always think that the time will go faster and faster for he/she comes back again.

                       Ang sarap balikan ang mga nakaraan lalo na kung ang nakaraan mo ay puno ng kaligayahan at pag mamahalan. Nalulungkot ako kasi ang malayo ka sa taong mahal mo ang pinakamahirap na bagay na mangyayari sa buhay mo. Wala kang magagawa kundi ang alalahanin at alalahanin ang mga bagay bagay. Na minsan naiisip mo sana pwedeng bumalik sa nakaraan. Pero tiwala lang talaga , basta mag tiwala ka lang at sigurado ang nararamdaman mo ngayon pag nag tiwala ka ay siguradong sasaya ka pag dating ng araw. Maraming tao ang nag sisisi sa kanilang nakaraan meron nga tayong kasabihan na "Nasa huli ang pagsisisi", hindi naman porket nag kamali tayo ay hindi na tayo pedeng maging tama. Pag nag kamali ka ,bumangon ka kasi pag nag kamali ka iyun ang tunay na dahilan na hindi pa para sayo kaya wag mong damdamin ang kamalian at gawin mo itong isang edukasyon dahil matututo ka sa mga kamaliang ginawa mo at hanggat buhay ka , kaya mo pa itong itama. Wag mong ibaon ang sarili mo sa nakaraan, balikan mo ito pero wag ka ng mag pa apekto ang nakaraan ang iyong leksyon para mag karuon ka ng magandang kinabukasan. 

Miyerkules, Enero 6, 2016

"Perseverance"

https://coachotis.wordpress.com/tag/perseverance/
                           Perseverance, It is one of the traits you should have, in order to attain your goal you should be persevere, just like the photo above, never never never give up, it really mean a lot, siyempre , nandito ka na , sino pa ba ang kailangang gumawa nito kundi ikaw lang din naman. Kailangan mong mag sikap para matupad ang iyong mga pangarap. 
                          Perseverance sa tagalog tiyaga , mayruon nga tayong kasabihan na palaging inuulit satin ng ating mga magulang na "Pag may tiyaga ? May nilaga". Alam mo lahat ng bagay nakukuha sa tiyaga kasi lahat ng pinag tiyagaan ibig sabihin lahat mahalaga, katulad na lang sa pag ibig , pag pinagtiyagaan mo siyang niligawan kahit sobrang tagal pa nito ay totoong mahal mo siya ksi hindi mo siya pag titiyagaan kung hindi totoo ang pag mamahal mo sa kanya ,, pati sa trabaho kahit mahirap pero pag mahal mo ang trabaho mo kailangan mo mag tiyaga.
                        Pero siyempre kailangan mong samahan ang pagiging matiyaga mo , kailangan mong mag ingat, mag effort mag lagay ng kalakasan sa iyong pangangatawan dahil laging tatandaan na ang tao ay napapagod din , oo nakakapag tiyaga pero kailangan "consistent " lang kasi pag sumobra ka sa pagiging matiyaga mo baka isang araw hindi ka na maka kilos dahil "overworked' ka na , Kasi lahat ng bagay may limitasyon.
                        Ang pagkakaruon ng "perseverance" bilang isa sa iyong characteristic ay nangangahulugang ikaw ay may ruong bagay na pinang hahawakan , na gusto mo ang isang bagay na yun ay makuha mo at may gusto mo itong maging sayo. Kaya hanggat kaya mag tiis o mag tiyaga , sikapin mo lalo na kung ito ay iyong pangarap na gustong makamit. 

Linggo, Enero 3, 2016

"Structural Framework"

http://www.nwlink.com/~donclark/leader/framwork.html

                                    There are four types of framework approach to leadership. Pero  in this blog, we will use only and explain all about the Structural framework.
                           In Structural framework it is all stated in this area ang lahat ng bagay beyond all the things. Pag sinabi kasi na structure, ito yung laman ng iyong mga ideas ng iyong pamumuno at ng iyong mga naiisip. Ang lahat ng mga nilalaman at ang lahat ng mga nakapaligid sa isang bagay ay dito makikita, yung tipong lahat ng bagay ay nakadetalye , makikita dito ang lugar kung saan mismo ito nakalagay at nakabatay , lahat ng mapapansin mo na napapaloob dito ay nakabase lang sa isang bagay.
                           Ang isang magaling na leader ay kailangan ng isang structural framework para alam niya kung ano ang uri nito ,kailangan ng isang disenyo para sa mga bagay na napapaloob hindi lang sa mismong loob kundi na din sa mga nakapaligid dito. "In the face of complexity and multiple competing demands, organizations simply can't handle decision-making in a totally rational way. Not surprisingly, then, a single blunt instrument like structuremis unlikely to prove the master tool that can change organizations with best effect. Ibig sabihin lang nito pag meron kang isang structure you can face any demands any complexity na mga bagay. Dito makikita ang kahalagahan ng isang structure lalo na pag may problema ka na kahaharapin sa buhay. Dahil hindi lahaat ay naayon sa maganda may darating at darating pa ding problema kaya dapat lagi kang handa sa mga ito.

"Boss or Leader"

http://3tags.org/article/7-characteristics-that-separate-a-boss-from-a-leader
               

                   Boss and leader , mag kaiba sila , hindi lang sa "spelling" pati na rin sa meaning nila at kung ano ang mga functions nila. Maraming nagsasabi na mag katulad lang yan pero dito sa blog na to malalaman mo ang pag kakaiba ng boss at leader.
                  Ang leader, Unang una ,hindi siya uma aktang kontrol nya lahat ng tao sa paligid niya , siya ang unang tao na pwede mong pag tanungan , siya ay hindi mag uutos na gawin mo isang bugay kundi siya ang magsasabing gawin niyo ang isang bagay.Leaders listen and speak rather than command.Leaders motivate rather than terrify, sila yung taong tutulungan ka para umangat at hindi para bumagsak , At isa pa ang isang leader ay bumubuo ng isang relasyon sa isang grupo na may roong koordinasyon, tiwala at pag kakaisa. Samantalang ang boss naman, ito ang kasalungat ng pagiging isang leader , oo parehas silang namumuno at parehas nilang hinahawakan ang isang grupo, nag kaiba lang sila sa mga kani kanilang characteristics. 
                  Ang boss, malalaman mo lang na pag boss ang kausap mo at hindi leader pag sinabi ng isang tao na "i" pag sinabi niya na ganun boss siya kasi mag uutos siya pero pag sinabi ng isang na "we" ibig sabihin tulong tulong kayo na gagawa ng isang bagay. Ang boss siya yung mag cocommand ng mga bagay bagay ang leader siya yung hihingi ng tulong at permiso , ang boss makukuha nya ang credits ng nasa taas pero ang leader siya ang magbibigay ng credit sa mga groupmates niya. Lastly , makikita mo at malalaman mo ang pagkakaiba nila when they start  doing things , the boss says "GO" while the leader says "LET'S GO" ,kasama siya sa gagawa.Makikita dito ang pagkakaiba ng boss at ng leader so if i were you "Be a leader , not a boss" because leader's help while boss dont. "